
I was thinking of having my Little Devil's make over since last week but I was hesitant because of the deal that I was working on. Now that the buyer backed out, I had it done.



Side view, of course andun si logo di ba? Kaya Little Devil kasi may sungay talaga siya, mana sa may-ari! Nakatago nga lang ang buntot. Minsan lang lumabas pag sobrang galit. Ngayon medyo gustong lumabas, kasi nagtampo pa yata ang kapatid ko. Hinihiram kasi si Little Devil, eh sabi ko lang naman paki-ingatan ang gamit dahil kapapagawa ko lang. Hindi naman sa pagdadamot. Pero the last time na sila kasi ang gumamit, bago ang side mirror ko, nabangga sa gate pati 'yung signal light sa kaliwa basag din. Medyo nadala na ba ako. Possessive kasi ako at maingat sa gamit. Kaya naiinis ako kapag may nakakasira sa gamit ko o nakikialam, lalo na sa kwarto ko. Hay naku, tama na nga 'yan at iinit lang ang ulo ko.


'Yan ang gawain ko ngayon, ang magbutingting. Lalo na siguro kung sariling bahay ko na ang pinakikialaman ko. Hmmmm... malapit na 'yun.
No comments:
Post a Comment