ni Gary Granada
Ako ang dulo at ikaw ang umpisa
Dal’wa ang dako ng landas nating dal’wa
Ika’y apoy, ako ay tubig
Duda ko’y iyong pananalig
Ang tiyak sa iyo ay aking pangamba
Ako’y maghapon at ikaw ay magdamag
Ika’y matapang kung saan ako duwag
Ang iyong huli ay aking una
Madali mo’y di ko kaya
At ang aking sige ay siya mong huwag
At pag tayo’y nag-uusap, parang lupa’t alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Sala sa ikli at haba, parang timog at hilaga
Di mahuhulaan kung saan hahantong
Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama’y masaya
May kaagapay o kaya, baka naman pag-ibig lang
At pag tayo’y nag-uusap, parang lupa’t alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Ang hindi ko mahagilap ang iyong laging nahahanap
Sa isa’t isa ang isa’t isa’y bugtong
Minsan tuloy nalilingat, natatangay
Sa piling mo’y wari lahat mayrong saysay
Paano mo maipaliwanag kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama’y masaya
May kaagapay o kaya, baka naman pag-ibig lang
No comments:
Post a Comment