Wednesday, August 20, 2008

Baha

Umaga pa lang walang tigil na ng kakatunog ang cellphone ko.

"May pasok po ba?"
"May pasok ba St. Mary's?"
"Nag-announce na ba?"

Tulog pa ako, napilitan akong gumising para sagutin ang mga text. Matindi na naman kasi hagupit ng hangin at gabi pa lang wala nang tigil ang ulan. Si Karen kasi, nag-landfall na kaninang alas siete ng umaga.

Nakapasok pa naman ako, elem at HS lang ang sinabing walang pasok. Pagdating sa school, text dito, sagot ng tawag sa landline. May pasok nga, pambihira. Parang mga hindi nakikinig sa radyo at nanunuod ng balita.

Hanggang mga bandang alas nueve, kinailangan nang ipaalam sa mga opisyal ang sitwasyon. Baha na sa mga major roads, magha-high tide pa ng lunchtime. Ang ending, nag-suspend rin ng klase mga bandang 11:25. Hindi pa ako agad nakauwi kasi kinailangan pang mag-check ng school premises. After lunch, nag-decide na kaming umuwi. Tumataas na kasi ang tubig. Wala na madaanan sa campus.



Pagdating ko dito sa bahay, ito ang bumungad sa akin... baha!








Kaya nga gusto ko nang lumipat ng bahay. Almost every other day na lang, basta matindi ang ulan ganito ang nabubungaran ko sa umaga at pag-uwi sa hapon.

Haaaaay!

2 comments:

tinabee said...

nakapag photo ops ka pa! :)

Abiel said...

syempre, hehehe!