I was supposed to be at the foundation day of MQAPC this morning pero dahil ayoko, hindi ako nagpakita. Ayoko mabilad sa init, mahirap na. Hehehehe! Ngayong gabi lang ako nagpakita, in disguise pa. I was wearing a black bull cap, a blue polo shirt, siyempre blue rin ang eyeglasses ko, maong jeans and a black sandals. I don't want to be noticed. Kaso, ang tinik ng mata ni President A, nakita pa ako sa may backstage habang nanonood ng pageant at cheer dance competition. Tinawag ako at sinabihan na dapat daw sanayin ko na ang sarili ko na kasama ng mga nasa administration dahil malapit na daw akong mag-umpisa na mag-opisina dun. Took my hat off and said, ok. But I didn't go to the table where they were. Pasaway talaga 'no? Saka na lang pag official talaga ang pagpasok ko dun.
Couldn't help but post this, natatawa talaga kasi ako at naiinis na rin...
Student: Ma'am, kung naging mahaba lang buhok niyo Diyosa ka na talaga!
Me: Ha?! Diyosa? Bakit naman?
Student: Eh kasi po ang ganda-ganda niyo.
Muntik na ko mabilaukan! Hanep mambola ang mga batang 'to! May kasunod pang hirit.
Student: Dapat po 'wag niyo hayaan na mahinto ang lahi niyo. Mag-anak ka ma'am! Kahit isa lang.
Me: Para kang tatay ko ah.
Student: Sayang po kasi talaga.
OMG! I couldn't believe that after three years of being an out lesbian in that college, my students still couldn't accept the fact that I am one. They tolerate it, they respect it, but at the back of their minds they secretly wish that I be transformed into a woman.
Haaaay...
No comments:
Post a Comment