Tuesday, March 25, 2008

For old times sake

It's four in the morning, I just got home. First time after so many years that I've been out until wee hours in the morning. My elementary best friend Butch who now resides in Guam is in town, but not for long. Later today, her family will be going back to Guam. Luka luka nga, nag-text sa akin kahapon na puntahan ko daw sila sa Constantino dahil last night na nila dito. They've been here for two weeks now but I haven't heard from her. Super last minute invite talaga, kakahiya naman kung hindi ako pupunta. I haven't met Jay, her husband, and the kids - Jasmine, Jarvin, Josh and Gian. So, I decided to go.

It's my first time to step foot in their house, kilala pa rin ako ni Ate niya batch '88 sa St. Mary's but its my first time to meet their parents. Pinoy syempre, pakilanlan. Tuntunan ng mga kakilala. Nag-establish kung sino mga common link. Meron naman. Had dinner but I only ate palabok. Unang tanong sa akin ni Butch, ano daw ba iniinom ko. Sabi ko nga di na ako umiinom, saka niya naalala 'yung health condition ko. Paano daw ba 'yun, hindi daw ako makakalabas ng bahay nila ng hindi umiinom. Kaya sabi ni Tita Mila, mag red wine na lang daw ako. Napalunok na lang ako, mukhang pamilya ng tomador ito.

Long and short of it, napainom pa rin ako. Isang pale pilsen, si Jay kasi ang nag-abot, nahiya naman akong tanggihan. Bulong ni Butch sa akin, bawal akong uminom. Sabi ko naman, isa lang. Pagkatapos ng isang beer, si Mutya naman ang humirit. Hindi daw ako umiinom. Syempre, to the rescue si Butch, lagot daw siya kay Mommy pati na rin kay Lui. Eh kaso nung si Ate na ang nagtagay ng Matador, wala na siya magawa. Kalagitnaan, pinapasalo na rin niya 'yung tagay niya sa akin. Sabi nga ni Kuya Joseph, nakalahati ko rin daw siguro 'yung isang litro. Bandang huli, tumanggi na ako. Si Mutya na ang nilasing namin, lukaret din 'yun, kasama niya 'yung 7 year old kid niya. Nauna pang umuwi sa akin. Nakasama pa ako sa usapang pamilya hanggang sa abutin na kami ng alas tres y media.

I better get some sleep.

No comments: