Ilang shades po ba meron kayo?
Ito ang tanong sa akin ng isang estudyante kanina. Napaisip tuloy ako, ilan nga ba? Sabi ko isa lang, 'yung Fossil na black na style pang Matrix ni Keanu Reeves. Hindi siya nakuntento, hindi lang daw isa kasi andami nilang nakikita na sinusuot ko. Kaya sabi ko, hindi shades 'yung iba kasi may mga grado 'yun. Suot ko kasi ngayon 'yung isa na ang frame ay kulay blue. So, pati 'yun lens may touch of blue rin. Ganun kasi ako magpagawa ng eyeglasses. Parang fashion accessory na rin siya para sa akin. Comment naman nung isang batang lalaki,
"Terno po lahat ah, blue ang polo shirt, naka maong, pati salamin at kwintas blue rin."
"Ganun talaga pag may pagka-maarte" sabi ko.
"Eh ilan po talaga ang mga salamin niyo? Kasi hindi namin kayo nakikita na walang suot na salamin kahit nasa klase."
Curious talaga sila. Kaya sinabi ko na mayroon akong tatlo. Nabanggit ko na 'yung blue kanina. Meron pa akong black at saka brown. May mga grado din lahat. Karaniwan, kung anung kulay ng damit ko iti-terno ko 'yung salamin na suot ko. Gamit ko rin kasi kapag nagmo-motor ako kaya pinalagyan ko na ng shade kaysa 'yung dating gamit ko na clear. Ayoko na kasing magpapalit-palit pa ng salamin. Istorbo lang eh.
Ang hirap talaga maging prof kung minsan. Kapag naka-focus kasi sa 'yo ang attention ng bata, lahat nakikita nila sa 'yo - mula ulo hanggang paa - napapansin nila. Nagiging topic ka tuloy ng mga usapan. Pero 'yun ang sikreto ko, ginagamit ko 'yung oportunidad na 'yun para makapag-focus sila sa mga sinasabi ko. Asset ko nga 'yung pananamit, kaya I make sure na hindi ako nag-uulit ng damit sa isang semester ng pagtuturo. Hehehe! Maarte na kung maarte, pero 'yun ang trademark ko.

No comments:
Post a Comment