Saturday, May 10, 2008

Balik-tanaw sa Tutubi


Kanina habang nagsisimba ako, may nakita akong tutubi na dumapo sa mga halaman. Napangiti ako. Naisip ko kasi na nuong bata pa ako isa ako sa maraming kabataan na tumatakbo sa bukid para manghuli ng tutubi. Napagkasunduan pa nga namin noon na bawal sirain ang pakpak ng tutubi. Huhulihin lang namin tapos pagkukumparahin para malaman kung tutubing karayom ba 'yun o tutubing kalabaw o simpleng tutubi lang.

Maraming karanasan ang henerasyon ko na hindi na mararanasan ng mga kabataan ngayon. Wala na kasing bukid na matatakbuhan. Puro kalsada na lang. Hindi na rin uso ang taguan pung, siyato at tumbang preso. May PSP na kasi at Nintendo Wii.

Sayang, hindi na nila mararanasan 'yung kasiyahan na nakukuha sa mga simpleng pagtakbo sa parang. Hindi kayang bayaran 'yun ng pera.

Iba na talaga ang tumatanda. Hehehehe...

1 comment:

ithess said...

naranasan ko pa manghuli ng tutubi!! :)