Babaero ka kasi.
Di lang iisang beses kong narinig ang linyang 'yan ngayong linggong ito. At sa tuwing sasabihan ako ng ganun tataas lang ang kilay ko at kukunot ang noo. Simple ka lang pero grabe pagka-babaero mo eh. Napabuntong-hininga na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko, huli na eh. Noon, di ko maamin sa sarili ko na babaero ako. Pero nitong nakaraang weekend, napagtagni-tagni ko na may bahid ng katotohanan 'yun. Hanggang sa nitong nakaraang Sabado, inamin ko na rin. Hindi naman pala ganun kahirap aminin, at hindi rin mahirap na magpatawad kapag inamin mong nagkasala ka. Hindi na tuloy kami nakapagsimba sa Barasoain Church kasi nangumpisal na ako bago pa makarating ng simbahan. Kinailangan pa tuloy namin gumising ng maaga kahapon para umabot sa misa ng alas sais ng umaga. May interview kasi ako ng alas otso ng umaga.
Inaamin ko, naging babaero ako. Hindi ko na itinatanggi 'yun ngayon. Pero tapos na ako sa pambababae. Ganun pala talaga, dati-rati nagtataka ako kung bakit ni minsan hindi naisip ng nanay ko na hiwalayan ang tatay ko kahit na hindi siya perfect husband, mahirap pala talaga maging misis. Na-appreciate ko na ang nanay ko at naunawaan kung bakit nagtagal sila ng tatay ko hanggang ngayon.
Totoo rin pala na kahit anong ganda pa ng sapatos mo, pag napagod ka, hahanap-hanapin mo pa rin ang comfort na naibibigay sa 'yo ng tsinelas.
Uuwi at uuwi ka pa rin sa asawa mo pagkatapos mong maglagalag. Hahanapin mo ang luma mong tsinelas, kasi kumportable ka na sa kanya. Alam na niya ang baho mo, lahat ng mga sikreto mo. At lahat 'yun tanggap niya. Dahil mahal ka niya, mahal na mahal.
Babaero ako. Pero tapos na 'yun.
I am home.

No comments:
Post a Comment