Monday, June 23, 2008

Isang araw sa Malolos

Habang tumitirada si Frank sa Gitnang Luzon kabado akong nagbibihis at nagpi-prepare para sa interview ng GSE Outbound Team for District 7350.

Ang lakas ng ulan!
Oo nga, wala ka pa mandin dalang payong. Naka-puting pants ka pa.
Di bale, papa-assist na lang ako sa baba. You want breakfast?
Sige, order ka na rin ng kape mo ha?
Ok.

Tok tok tok.. pagbukas ng pinto, andun na ang kape.

Kape lang? Asan na 'yung breakfast?
Isusunod ko na lang po.
Sige, thank you. Paki-akyat na lang ha?

Pagkasara ko ng pinto..

Uminom ka na ng kape mo, baka ma-late ka. Ang lakas na ng ulan.
Opo.
Good luck baby, break a leg.
Thanks, I love you.

Pagbaba ng room, andun si waiter. In-escort-an ako hanggang sakayan.

Lakas po ng ulan, ingat kayo.
Oo nga eh, thank you ha. Paki-akyat mo na lang pagkain sa taas.

Pagdating ko sa Max's Malolos, natanggap ko 'tong message:

Binigyan ko ng tip 'yung waiter. Nag-thank you ako dahil inassist ka niya. Ask niya kung kapatid kita, sabi ko hindi, asawa. Natulala ng 10 seconds! Muntik na nga ako matawa nung natulala siya. Serious kasi ako nung sinabi ko na asawa kita. Kaya malamang maya titingnan ka nun hekhek! O di kaya tsismis na 'yun sa baba.

Ang asawa ko talaga.. nawala tuloy ang kaba ko, napangiti ako at nakangisi pa rin ako pagpasok ng interview room. Hehehehe..

No comments: