Saturday, June 28, 2008

Sayaw

Ang tagal ko nang hindi nagsasayaw, huling natatandaan ko college pa ko nung nag-perform kami sa PEP rally ng varsity teams ng UP. 1994 pa ata 'yun. Eh 2008 na ngayon. Nakaka-miss din, kasi natural na talaga sa pamilya namin ang magsayaw.

Kahapon kinailangan ko na naman mag-perform, well at least mag-practice, para sa Sabado. Acquaintance Party kasi ng mga bata at siyempre kailangan naming mag-sayaw, katuwaan lang ba. Remix pa ata ang gusto ng sports and cultural consultant namin. Kaya ang daming klase ng sayaw ang gagawin. Hindi ko kaya ang steps ng Beautiful Girl ni Sean Kingston kaya dun ako napunta sa sayaw ng mga lalaki. Hahahaha! As usual, masyado kasi ako malikot sa dance floor.

Practice to the max kami kahapon, at siyempre di na naman nila expected na magaling este marunong akong magsayaw. Palagi na lang daw akong may surprise sa kanila. Hehehehe! Tingnan natin sa Sabado kung maalala ko pa mga steps. Kung may makakapag-video ng sayaw namin, ipo post ko na lang dito. Hehehehe!

Buti na lang wala na dun ang mga higher years, kung hindi yari na naman ako.

Peace! ;)

No comments: