Tuesday, June 17, 2008

Touch ni Ma-L

After so many days, nakapunta rin kami sa bahay kanina after ko sa office. Last time na nabisita ko ang bahay was months ago pa. April pa nga ata. Sobrang toxic kasi ako sa office ngayon, salarin kasi itong salary increase eh! Malay ko bang ia-approve agad ang proposal ko? General proposal lang kasi 'yun, wala pa kong nagawang salary scale. Ang ending tuloy delayed ang sweldo namin, pero hopefully before the end of this week ma-finalize na talaga ang sweldo.

Anyway, going back to Ma-L.. nakita na niya ang bahay. Kala ko nga di niya magugustuhan kasi sobrang simple lang nun. Maliit lang. Hindi pa pulido pagkakagawa kasi sobrang basic. Napagalitan pa tuloy ako.. hehehehe! Masyado daw ako. Madali naman daw pagandahin. Kailangan lang ang magic touch niya. Natuwa nga ako bigla kasi meron na akong nakakausap about designs and everything. Mahirap din kasing kausap ang sarili mo ha! Hehehe..

Pinagalitan din niya ako kasi sobrang kuripot ko daw.. nakakita kasi kami ng designs para sa ilaw. Eh sabi ko gawa lang 'yun sa wire, pwede kong gawin. Muntik na ata siya mabilaukan sa pagkain habang nasa La Mesa Grill kami sa Trinoma. Hehehehe!

It soothes me that I have Ma-L kahit na sinasabi niyang si Hitler daw ako at HB (as in high blood). Ganun talaga eh. Nothing beats the original.

;)

No comments: