Thursday, July 17, 2008

Council meeting

Thursday na naman, after a hard day's work may council meeting pa. Akala ko nga pahinga muna kami ngayon. Pero nasa minutes kasi nung nakaraang Sabado na kailangan kong i-discuss ang grievance machinery sa council. Para kung may comments, maiayos agad at ma-move for adoption na next meeting. Kakapagod. Buti na lang nag-stick sa agenda ngayon. Pero humaba pa rin. At dahil gabi na at umuulan, napagdesisyunan na sa Sabado ko na lang i-discuss ang proposal. Mukhang isang buong session namin bubunuin 'yun. Kapagod!

Antok na ako. Kailangan ko na ng toothpick sa mata ko. Buti na lang parehas kaming may pasok ng asawa ko ngayon, kung hindi...

Hehehehe. Tama na muna ang naughty thoughts. Baka bigla na naman ako magising.

;)

No comments: