First, choose your unforgettable school:
:: University of the Philippines Diliman
This school will be connected to the question!
1. Bakit ka nahuhuli sa pila bago mag-flag ceremony?
:: Couldn't remember attending one in UP. Wala kaming ganun eh.
2. Anong fave mong bilhin sa canteen?
:: 'Yung spaghetti sa Casaa at mango shake sa kiosk na tambayan namin sa UP gym
3. Na-guidance/p.O.d/principal ka na ba?
:: Never. Nerd ako nun.
4. Sinong fave teacher mo doon?
:: Laura Samson sa sociology, first time ko kasi maka 1.0 sa paper. Hanep din magpagawa ng paper. Monico Atienza, moody pero ang galing! Joi Barrios, kahit na mukha akong manok sa klase niya at 7:30 in the morning dahil sa pagbuga niya ng usok. Di ko makakalimutan 'yang Philip Morris menthol na 'yan!
5. Tropa mo ba yung guard ng skul nyo?
:: Di naman masyado, kilala lang kasi SA ako sa CSSP
6. San ka usually tumatambay?
:: AS 101 saka sa UP gym
7. What's your most unforgettable experience?
:: Speech class, bad trip 'yun. Di ko talaga feel kasi magsalita sa harap ng maraming tao. Hindi ko nga alam bakit naging effective akong prof ngayon eh.
8. Most unforgettable experience in
:: what?
9. Sinong una mong nakilala sa
:: UP? Di ko maalala. Hahahaha!
10. Ilang beses mo nang nawala ung ID mo?
:: Once. Di ko na rin maalala kung bakit. Hindi naman kasi useful ang ID noon sa UP. Sa library lang namin ginagamit. We don't wear it. Laminated nga lang eh. Ngayon sosyal na, card type na ID nila. Baduy na rin kasi they wear it. Hahahaha!
11. Favorite classmates?
:: Si Raymund Narag, hanep pagdating sa discussion. Si Anya, di ko makalimutan kasi mga magulang niya namundok.
12. Most unforgettable person? Why?
:: Si Sir Inay ng CSSP. Parang tatay ko na 'yun. Isa sa naniwala na kaya kong maging isang magaling na manunulat.
13. I-describe ang mukha mo sa grad pic.
:: Describe? Di ba pwedeng i-post ko na lang dito?
14. Anong binibili mo sa labas tuwing uwian?
:: Labas ng alin? Eh open ang university. Hahahaha! Sige na nga, ang walang kamatayang fishballs.
15. Nakakita ka na ba ng multo sa school?
:: Hindi eh, takot ata sila sa akin.
16. Nangarag ka ba sa updating/paghahabol sa projects?
:: Kapag may kagrupo, oo. Hindi mo kasi kontrolado ang oras nila, hindi naman kasi naka-block section sa Diliman eh.
17. Anong unang-una mong ginawa right after graduation?
:: Umuwi at nagpalit ng damit. Di ko feel 'yung suot ko.
18. Ano naman ang papel mo sa special days?
:: Once, nagsayaw during the PEP rally for varsity. Lahat kasi ng team kailangan may presentation eh.
19. Favorite subject?
:: Anthro 181/187, Socio 132 (Deviant Behavior), Kas 114 (Filipino Nationalism).
20. Ok lng Kung papalitan ang color ng uniform niyo?
:: Di uso sa UP 'yan, kaya nga hanggang ngayon pasaway ako pagdating sa uniform!
21. Nasa Friendster mo ba yung crush mo sa skul na yon?
:: Siguro.
23. Kilala mo ba kung sino ang nag-post nito?
:: Hindi eh, pampatanggal stress lang kaya ko pinatulan 'to. Hehehe.
24. Sino sa mga ka-batch mo ang dapat isali sa STARSTRUCK?
:: Sa varsity? Lahat pwede, artistahin material eh! Hehehehe!
No comments:
Post a Comment