Tuesday, July 15, 2008

Mukha ng bata

Habang nasa sala ako kagabi..

Nicole: Ta BG, di ba ikaw ang pinaka panganay sa inyo?
BGko: Oo, bakit?
Nicole: Eh bakit hindi ka mukhang matanda?

Napakamot ako ng ulo, lokong bata 'to ah.. nambola pa. Masagot nga ng pabiro.

BGko: Eh kasi, wala akong anak na katulad niyong makulit!
Nicole:Eh! Hindi nga, bakit parang bata pa 'yung mukha mo?

Tiningnan ko siya, seryoso ang mukha at humihingi talaga ng sagot.

BGko: Wala kasi ako masyado iniisip, saka lagi akong nakikipaglaro sa inyo kaya mukha pa rin akong bata.

Wala na talaga ako maisip eh! Hehehe.. ipinasa ko siya sa Lola niya, at ang sabi ni Lola

Lola: Siguro kaya ka nagtatanong kasi panganay ka rin ano?

Oo nga naman!

No comments: