Saturday, August 2, 2008

High tide or low tide?



How many islands does the Philippines have?

Ang tanong, kailan? Tuwing high tide or low tide?

I've asked this question in class several times now. And I get different reaction each semester depending on the profile of students. Ngayong sem lang ako naka-experience ng ganito



Tapos, kagabi sa meeting nag-report ang isang academic head. May estudyante daw na nagsabi sa kanya na merong kumukuha ng pictures habang tumatawid sa mga upuan ang mga estudyante para makarating sa kanilang mga klase. Worried lang daw siya kasi baka oposisyon daw at sinisiraan na naman ang school. Nagtaas ako ng kamay at nagsabing ako ang kumuha ng mga litrato for documentation purposes. Sabi ko pwedeng i-attach sa request letter 'yun kung sakaling mag-decide ang council na sumulat sa kinauukulan upang iparating ang kalagayan ng mga bata tuwing bumabaha.

Grabe, pulitika talaga. May administrasyon at oposisyon pa ba pagdating sa edukasyon? Nakaka-disillusion!

No comments: