Friday, September 5, 2008








Hawakan mo ang manibela
paliparin ang gunita sa mga ala-ala
lunurin ang sarili sa hangin ng pagsinta
hanggang sa umangat ang gulong sa kalsada.

Subukan mong bitawan ang manibela
tanggalin ang kontrol sa mapagbirong tadhana
isabay ang katawan sa paghampas ng gunita
hanggang maramdaman mong ang katawa'y patang-pata na.

Lamunin ka man ng alikabok at ulan
hayaang pumailanlang sa kalawakan ang iyong agam-agam
buksan ang puso sa katotohanan
na ika'y isang sinumpang nilalang.

Kaya't sa saliw ng hangin ika'y pumailanlang
kalimutan ang lahat at iyong ipaglaban
pag-ibig na tunay ay iyong panghawakan
ilang libong taon man ang magdaan,

ikaw lang, ikaw lang.

Kaya mula ngayon sa katotohan isisilang
ang sinumpang nilalang na nasadlak sa kalawakan
unti-unting gabayan sa pagtayo sa kawalan
mula sa kinasasadlakang kasinungalingan.

No comments: