Monday, September 22, 2008

Little Devil ko



Hindi ko alam kung bakit ayaw niya umalis. Ilang beses ko na siya sinubukang bitawan. Pero hanggang ngayon andito pa rin siya sa tabi ko. Alam niya pag mainit ulo ko. Siya kasama ko pag galit ako. Pag naiinis ako. Pag malungkot ako. Hindi pa naman niya ako ipinahamak. Magaling lang siguro talaga akong driver, kahit na nagloloko na siya, nako-control ko pa rin. Kahit nung isang taon na na-disgrasya ako, siya ang total wreck, pero ako walang galos. Ni hindi ako sumemplang. Siguro, ganun niya ako kamahal. Kaya ngayon, kahit gusto ko na siyang bitawan, ayaw niyang umalis.


Kung nakakapagsalita lang siya ngayon, sigurado puro tampo at hinaing ang sasabihin niya sa akin. Ipapaalala niya kung paano ko pinaghirapan na mapunta siya sa akin. Tapos heto ako, kabi-kabila ang pagpupursige para umalis siya. Ipinaliwanag ko naman sa kanya kung bakit. Pero ewan ko ba, ganun siguro talaga pag mahal ka.. at mahal mo rin. Masakit pero kailangan.

Hindi ko pa alam kung aalis siya sa akin o hindi. May isang buwan pa ako para malaman 'yun. Dapat sana kanina kukunin na siya, pero hindi natuloy.

Kaya pala, may ibang mawawala sa akin. Kaya hindi siya umalis.

No comments: