Sunday, October 12, 2008

Usapang bata

Isang araw narinig kong nag-uusap-usap ang mga pamangkin ko. Akala ko naman kung anung seryosong topic ang pinag-uusapan nila, lumapit ako para marinig ko ng maayos. Nakatingin lang din ang nanay ko sa kanila. Nasa may hapag-kaininan kami ng nanay ko at nasa may sala silang tatlo. Ganito ang takbo ng usapan nila:

Nicole (7): Sige nga, si Tita BG ba boy or girl?
Janna (4): Girl kaya!
Ethan (4): Hindi. Bading si Tita BG!
Nicole: Hindi bading si Tita BG, tomboy siiya. At alam ko kung bakit! *sabay tingin sa akin at sa lola niya*
BG: O sige nga, bakit?
Nicole: Sabi ni lola dahil daw sa asawa ni Nanay Ester kaya ka naging tomboy! Di ba lola? *sabay tingin sa lola niya waiting for approval*
Mami: Oo, nangangabayo pa nga yan at sumasakay sa karitela at kalesa. Tapos mga laruan niya baril-barilan at mga kotse.
Ethan: Joke lang. Alam ko naman na girl si Ninang BG. Pero kung boy siya, pogi siya!
Janna: Nakita ko na nga naka bold si Ninang BG eh! Girl siya. Pero parang boy kasi may buhok sa may tiyan!

Hahahaha! Hanggang ngayon pag naiisip ko ang mga usapan ng mga pamangkin ko, amazed pa rin ako. Sa murang edad nila, napapag-usapan nila openly ang tungkol sa gender ko at tanggap nila ako. Buti na lang andun din si Mami, taga-explain sa kanila. Hindi sila sinasaway, gina-guide lang. Ang swerte ko talaga. Tanggap nila ako.

;)

2 comments:

tinabee said...

may buhok sa tyan. hahahaha. may buhok sa tyan!!!! =))

ian7474 said...

hehehe...nakakatuwa naman ang mga batang yan... :)