Wednesday, November 19, 2008

Tsinelas


Ang tagal ko nang hindi nakikita ang tsinelas na ito. Ilang taon na rin ang nakaraan nung ibinigay ko ito sa asawa ko bago siya umalis. Pagdating niya ng Amerika dala ang tsinelas, lagi niyang sinasabi sa akin Mabuti pa ang tsinelas mo nakatuntong na ng Amerika. Kasa-kasama ko na. Ikaw andiyan pa rin sa Pilipinas. Sana makarating ka na dito.

Hanggang ngayon kapag nakahiga kami sa kama at nag-uusap hindi pa rin kami makapaniwala na andito na ako. Nitong linggo lang ito kami uling nagkasama ng tsinelas ko. Napangiti ako nung makita ko siya. Sabi ko pa, Reunion ba ito? Na-miss kita. Hinding-hindi na tayo maghihiwalay pa.

No comments: