Thursday, February 14, 2008

Amoy lalaki

Nagpapasahan kaninang umaga 'yung mag-asawa kung sino magpapatulog kay Yza. Kailangan kasi magluto ni Avin ng turon para maitinda, si Ela naman kailangan pumunta ng school kasi kuhanan ng report card ng mga bata.Walang magawa si Ela, sinubukan niyang patulugin si Yza habang nakaupo sa rocking chair, wa epek.Kaya kahit ayaw ko, to the rescue si Tetuts. Pagkakuha ko kay Yza, nagtitigan muna kami sandali. Tapos, humilig na siya sa balikat ko. Wala pang two minutes, tulog.

Ako: Vin, bakit ganito 'tong anak mo? Ayaw sa nanay niya.
Avin: Eh Tetuts, amoy kasi natin ang gusto niya. Amoy lalaki! *sabay tawa ng malakas*
Ako: Gago! Utuin niyo pa ako!

Ito ang hirap pag wala akong trabaho eh, inday na inday ang role ko. Tsk!

Tingnan niyo naman kung gaano kahimbing ang tulog habang nakayakap sa sa akin. Palibhasa malambot dahil sa laki ng tiyan ko. Hehehe!

No comments: