Tuesday, February 19, 2008

Bahay-bahayan

That was how my dad described my house nung isinama ko sila ni Mami sa Sta. Maria. Fair enough, I told myself. Ako lang naman kasi ang titira dun and hopefully my significant other once she decides to come home. I know my Dad doesn't like the idea that I am finally moving out. But as I've said time and again, I am of legal age and I am entitled to independence. Kung sa PAO nga nakuha kong lumaya, sa sarili ko pa kayang pamilya? But I doesn't mean that I would totally cut off my ties with them. I just want my siblings to learn and experience the meaning of responsibility. I would still be around if they need me.

I was thinking of cutting cost for the improvements I wanted. Bare type kasi ang nakuha kong unit. Tinitingnan ko nga kung ano ang pwede kong makuhang gamit dito sa kwarto ko. When I went to the hardware yesterday and asked for the prices of the materials that I need, here's what came up:
  • P850 - 5 bags of cement
  • P500 - 1/2 elf of white sand
  • P600 - 6 kilograms of colored cement (I'm thinking blue or black)
  • P3,000 - 4 pieces of ordinary 3/4 plywood
  • P400 - 1 piece of black formica
  • P170 - 2 pieces of aluminum for the formica
That totals P5,520 hindi pa kasama ang labor dun. Hindi pa rin klaro kay Alex kung ilang araw niya gagawin. That is why I'm locked up in my room right now thinking of how to cut cost. I wanted to have a mini bar na idudugtong ko dun sa nakaporma nang sink. Iniisip ko kasi instead of buying a dinner table, pwedeng 'yun na lang ang dinner table ko. Kaya rin madami 'yung plywood may naiisip kasi akong design para dun sa 54 x 75 airbed na ilalagay ko dun. Eh may nakita akong pwedeng magamit dito para sa kama, problema ko lang kung mailalabas ko ito ng room at maibaba galing dito sa 2nd floor ng bahay. Ang lapad kasi eh. Pag nailabas ko, pwedeng mabawasan ang gastos ko, pero kung hindi, hanapan ko na lang ng lusot.

Ang goal ko lang naman kasi ngayon, maging
livable siya. Presentable ng konti. Maarte kasi ako sa gamit pero 'yun na nga, since I don't have a job right now I don't have the luxury of being luxurious. Hahahaha! Dadaanin ko na lang talaga sa diskarte. 'Yung tipong pag may bumisita, sasabihin nila na "Ikaw na ikaw 'tong bahay mo ah!"

Hmmmm... wait and see. Just wait and see.

*wink*

No comments: