Bihira akong makatulog sa tanghali. At talagang hindi ko nakagawian. But this time when I decided to watch TV in my room and laid down on my bed, my eyes became droopy. I was fighting it at first, trying to concentrate on the series that I'm watching. It was one my favorites, Law and Order. But I can't. So my eyes and my body gave in. I dozed off.
So, anong bago dun? Ok lang naman na makatulog ako dahil puyat ako at maagang gumising kanina. It was this dream that I had.
Dito rin ang panaginip ko, sa kwarto ko. Akala ko nga totoo. Hindi lang talaga ako makadilat. Pero naririnig ko sila. First it was my Dad, heard his voice when he said Tingnan mo, kamukhang-kamukha talaga ni Junior si Beegee, pati 'yung baba niya. I know I smiled when he said that, ang ipinagtataka ko lang hindi sila (para kasing may kausap siya) nag-react man lang when I smiled. Natatawa na nga ako nun kasi ako na naman ang nakita eh. Then he said something about sasabuyan ako ng pabango or ng papaya (hindi ko nga alam bakit papaya eh, kung tubig pa sana maiintindihan ko) something to that effect. Ang akala ko he was trying to wake me up. Pero hindi, talagang may isinaboy siya. Hindi ko lang maamoy. At hindi rin ako nagising. After that I heard my Mom's voice but I couldn't hear what she said. Parang nag-agree lang siya kay Dad tapos sinabuyan niya rin ako nung isinaboy ni Dad sa akin. Then I heard Nicole open the door and called me, Tita Beegee... she paused for a while waiting for an answer but I couldn't talk. Then I heard the door close.
So, paano ako nagising? Tumunog ang cellphone ko. I got it and read the message. And then I got up and opened my laptop. So here I am, writing this post. Still trying to make sense of the dream.
Can somebody interpret it for me?

No comments:
Post a Comment