Thursday, March 13, 2008

Minsan..

Minsan gusto mo lang mag-isa
lumakad sa kahabaan ng EDSA
tumakbo sa Academic Oval
tumambay sa Sunken Garden
o magkulong sa kwarto mo.

Magkulong sa kwarto, oo
tatlong buwang bilanggo
ng mga pangitain,
ng mga pangarap,
ng mga bangungot
kaya't nanaisin mo na lang
sana'y wag nang magising.

Pero hindi ka pa nakakatambay
sa Sunken Garden tulad ng dati
o di kaya'y tumakbo sa Academic Oval
upang di mapansin ang luha
na dumadaloy sa 'yong pisngi,
di ka na rin makalakad sa kahabaan
ng EDSA sa tuwing gusto mong mag-isip.

Mag-isip ng mag-isip
hanggang sumakit ang ulo mo.
Magtanong ng magtanong
hanggang sa mahanap ang sagot
sa mga tanong mo.
Umasa ng umasa
hanggang may hininga pa
sa 'yong dibdib.

Minsan, gusto mo na lang kumawala
maglahong parang bula.
Iwan ang mundong ito
at gumawa ng sarili mo.
Doon sa kung saan ikaw ang magdidikta
kung ano ang realidad mo.

Pero di rin 'yun ang totoo.
Sa panahong mahirap mahanap ang sagot
at lahat ng tao'y nagtatanong
sino ang sasagot? Sila? Ikaw?

Sino nga ba sa tingin mo?
Alamin mo.Tuklasin mo.
Hanapin mo ang sagot.
Ipaglaban mo at panindigan
anuman ang matutuklasan mo.

No comments: