Thursday, April 3, 2008

Post con sa PPB

Galing ako ng Fatima kanina, meet ko dapat si Ga kaso pagdating ko dun wala na siya. Si Olive na lang tuloy ang inabutan ko. Post conference meeting din kasi ng Soc and Philo department. Akala pala ni O, magpo-post conference meeting din ako since nabanggit ni Sir Toti na bumalik nga ako ngayong 1st sem. Kaso nung nalaman ko na may pagbabago sa curriculum at maraming matatanggal na instructor, hindi na ako nakipag-usap. Out of respect din sa mga instructors na andun.

Order ata ng CHED na i-lessen ang subjects. Tama lang naman 'yun. Ewan ko ba kung bakit napakaraming subjects ng mga nasa private school. Nung nasa UP ako, 15 units per sem lang ako. Full load na ang 17 units. Graduating students lang ang pwedeng kumuha ng 21 units.

Nakaka-miss lang din kasi ang mga kasamahan ko sa Fatima. Marami sa kanila ang akala abogado pa rin ako, si Mam Zen sinabihan pa ako kanina na naghahanap ng mga abogado ang PNP para pumasok sa kanila. Paano kasi, natatak na sa kanila na puro mga abogado ang barkada ko sa school tapos pumasok pa ako ng PAO.

Kagabi nga, sa graduation "judge" ang tawag sa akin ni Mam Amponin. Nasa porma daw kasi. Mga ito talaga!

No comments: