Kahapon habang naliligo ako tumunog ang landline. Para sa akin daw sigaw ng kapatid ko. Si Atty. Punzalan, tumawag daw ako agad paglabas ko ng bathroom. Napaisip tuloy ako, alas sais ng umaga tumawag si PDG Manny? Seryoso 'yun ah! Kaya hindi pa ako nakakapagbihis, tinawagan ko agad siya. Pagsagot niya, sinabi na niya agad sa akin na may kulang na pirma ang papel ko at kailangan ma-accomplish ko 'yun buong araw dahil kailangan na niya ipadala sa RI. Nag shoot up ang adrenalin ko. Hindi ko naisip na matinding biyahe ang gagawin ko, mula Meycauayan hanggang Malolos. Malolos pabalik ng Meycauayan para mapirmahan ang papel at Meycauayan pabalik ulit ng Malolos para maibigay sa kanya ang mahiwagang papel. Bago ako umalis ng bahay, kinailangan ko munang pumasok sa office. Andun ang mga phone numbers ng mga taong kailangan kong makausap. Ang aga ko tuloy sa opisina, before seven andun na ako. Long and short of it, nagawa ko naman. Pero matinding byahe 'yun, ang init sa kalye at naka-motor lang ako. Hindi ko naramdaman ang pagod dahil busy ang utak ko kakaisip. Sabi ko nga sa asawa ko talagang sinusubukan kami.
Nagawa ko naman lahat. Napagalitan nga lang ako ng asawa ko dahil sa bilis kong magpatakbo.
Ang daming tanong ng mga nasa opisina, sigurado na daw ba. Sabi rin ng tatay ko mukhang tuloy na ako.
Sana nga. Pinaniniwalaan kong tuloy na ito.
Kung ukol, bubukol.
4 comments:
sabi nga nila, if you want it bad enough. :) good luck.
oo nga ;) how's the hoover dam? san ba next road trip mo?
mainit! we didn't go into the plant kasi naka-tsinelas kami lahat. eh bawal pala.
no plans yet for the next road trip. i'll post na lang. bakit ala ka internet sa house?
thanks, i got it. but i'll go there on my own terms and not a part of the GSE ;)
Post a Comment